Wednesday, July 18, 2007

Guidelines to the Conference Participants

Alituntunin Para Sa Mga Inaanyayahan

Guidelines for the Conference Invitees

Forging Partnerships for Peace

  1. Hinihikayat ang lahat na dumating sa Metro Manila ng umaga ng Agosto 7 (Tues), at huwag bago ang araw na ito dahil wala pa pong maibibigay ang Organizers ng matutuluyan. Ang umaga ng Agosto 7 ay para sa Exhibit set-up.

  1. Ipagbigay alam sa Organizers ang takdang oras ng inyong pagdating at kung saang terminal (air, bus, sea) kayo sa Metro Manila dadating. May mga pick-up points ang organizers at may mga nakatakdang taong susundo sa inyo. Halimbawa, lahat ng dadating sa Cubao bus station ng Agosto 7, 1am-5am ay susunduin ng Balay Rehabilitation (example only), etc etc. Lahat ng panibago at lumang instructions and guidelines ay maaaring mabasa sa http://ipconference.blogspot.com. Subukang bumisita sa website na iyon.

  1. Paano pumunta ng Sacred Heart. Ang mga hindi masusundo ay kailangan dumiretso sa venue ng conference sa Sacred Heart Novitiate Retreat House, Km 23, Quirino Highway, Novaliches, Quezon City. Ang mga manggagaling ng airport ay sumakay sa alinmang sumusunod na bus: Tungko, Palmera, o Sapang Palay. Ito rin ang sasakyan ng mga nasa Bus stations sa EDSA. Bababa ka sa harap mismo ng gate ng Sacred Heart. Puwede ring sumakay ng SM Fairview Bus sa kahabaan ng EDSA. Ang manggagaling naman ng Pier (seaport) ay sumakay ng jeep to Quiapo at doon makakahanap ng SM Fairview Bus or FX or Jeep. Pagdating sa SM Fairview, sumakay ng Jeep na Tungko at Palmera. Huwag mag taxi kasi hindi ito mare-reimburse.

  1. Lahat ng imbitadong IP ay walang babayaran. Sagot na ng Assisi Development Foundation ang inyong pamasahe, at board and lodging (mula lunch ng Agosto 7 hanggang dinner ng Agosto 9). Ang main meals (breakfast, lunch, dinner) lang ang mare-reimburse na pagkain sa biyahe, kung meron man. Maximum ng Php50/meal. Ang snacks ay hindi mare-reimburse. Ang pamasahe mula sa community hanggang sa Sacred Heart Novitiate ay mare-reimburse. Hinihikayat na budget fares ang kunin ng mga imbitado sa air, bus o boat fare. Lahat ng resibo ay kailangan ibigay sa Finance Team para sa reimbursement. Hanapin si Bb. Ivi Codia o Ruth SalvaƱa para dito.

  1. Magdala ng Exhibit materials para sa inyong Grupo o tribo. Puwede ring magdala ng mga produkto upang ibenta.

  1. Magdala ng kasuotang katutubo at maghanda ng cultural presentation para sa Solidarity Night o sa Conference breaks.

  1. Tawagan, i-text, i-fax or i-email ang organizers bago ang Agosto 1 kung sino ang dadalo sa conference.

  1. Sagutan ang Database Information Sheet. Kung hindi naman ay maghanda na sagutan ang mga impormasyong kailangan kapag dumating sa conference. Hanapin ang database table para dito.

  1. Kung may mga katanungan, tumawag lamang sa 09176051391 o 6321001 at hanapin si Jasper o Adet. Mag email sa ip_conference@yahoo.com or mag fax sa 6327844. Puwede ring tumawag sa kakilalang organizer.

No comments: